Tuesday, April 07, 2009

Shiver

i just heard one of my old friends from high school died. He hanged himself.

I couldn't believe it. He wasn't the type to do something like that. Not even the slightest notion. I knew him enough to know that.

And I thought I was suicidal.

I haven't been to his wake. I don't want to. I don't want to see him dead, that cold, seemingly asleep body lying inside the coffin. His close friends told me his facial expression was so sad, it looked so heavy. I don't want to see him like that. I want my last vision of him as that smiling lad I brushed past the other month.

F*$^. Life is so ironic. And i thought I'd be the first to die.

Wherever you are, I'll see you later.

Saturday, April 04, 2009

wag mo lang akong gawing ashtray

"manang, mawalang galang na po, pag nagsindi pa kayo ng isa pang yosi - bubusalan ko na talaga bibig nyo!"

sobrang ganda ng umagang yon. Matingkad ang sikat ng araw. Masarap ang simoy ng hangin. Ganda ng pagkaka-upo mo sa window seat ng ordinary bus na sinakyan mo papuntang work. ang cute ng pagkaka-berde ng mga dahon sa mga punong nadaanan ng bus. Maganda talaga yung umagang yon. Sobrang ganda na di na baleng magulo ang pinagkasuklay-suklay mong long hair sa tindi ng hampas ng hangin pag 100 kph na yung bus sa highway.Sarap ng feeling eh. Its okay.

tapos may bagong sumakay na ale. dun siya umupo sa bakanteng window seat sa unahan mo.Di pa gumagalaw yung bus napansin mong nakapaglabas na siya ng isang stik ng Marlboro Red at mabilis pang nakapagsindi. Hinayaan mo muna. Mukhang badtrip si manang, in dire need siguro ng breather (?).

tuloy ka sa pag-appreciate sa nature. Ah...fresh air...lalo na't di masyadong smoke belcher ang bus na nasakyan mo....


engks. nagyoyosi nga pala si manang - kaya nalanghap mo din ang buga ng matinding marlboro red niya - lalo pa't dahil sa direksyon ng hangin e sayo lahat napupunta yung usok. Etchapuera mo na lang. taklob konti ng ilong. Konting tiis lang. patapos na naman ata si manang sa stik nya.

a minute later, napansin mong ubos na yung stik ni manang. THANKS BE TO GOD. Fresh air, hello.

pero sadyang the universe conspires to irritate you on your seemingly great day - nagsindi siya ulit ng isang pang stik ng Marlboro RED!!

First time, ok lang eh. Pero second time around is not very nice!

kaya naglakas loob ka nang kulbitin si manang...at napansin naman nya.tumingin sa direksyon ng pagkakakulbit...sabay sabi mo sa kanya:
"ale, bawal po mag-yosi sa public bus. tapon nyo na po yan, pwede po?"
Tumango.

SPLIT SECOND THOUGHT: Cooperative naman pala eh. Okey to.

NANGYARI AFTER NG SPLIT SECOND THOUGHT: Bumalik sa pagyosi si manang.

AFTERTHOUGHT:
POTEK NA MATANDA TO A!

dahil mabait ka, hinayaan mo na lang. nag-isip ka ng paraan para di na lang mapunta yung usok sayo. Ah, isarado ang bintana. Okay. Here goes.

Ay potek, stuck ang bintana!.

lilipat na lang ng upuan.
Shit. puno na pala lahat.

No choice, my irritated self, manigas ka na lang jan and pray maubos na muli ang stik ni manang. Badtrip lang siguro talaga siya. Pero what a place to feel badtrip. Cover your nose na lang, k?

mabilis na yung bus. ah siguro naman, i'll go free out of manang's smokes soon, kamo sa sarili mo. Ang lakas na naman ng hangin....

.....

AYY YUCK!!!

YUNG UPOS NG YOSI NI MANANG SAYO DIN ANG PUNTA!!!

ABA!!!!

That's it. Kung MTV Boiling Points man to, PAKI KO SA 100 DOLLARS nyo! Wag lang akong maging ashtray!!!

kaya you summoned all your lakas ng loob at muling kinulbit si manang, sabay panlilisik ng iyong dalawang mata:

"manang, mawalang galang na po, yung upos po ng yosi nyo sa kin napunta! pag nagsindi pa kayo ng isa pang yosi - bubusalan ko na talaga bibig nyo!"

At sadya yatang may mga taong di marunong makinig sa paki-usap...or at this point - di marunong matakot...tuloy pa rin siya sa pag-yosi...

WHAT THE F - ?!

Sobrang focused ka sa inis mo kay manang di mo na napansin ang lugar na dinaanan ng bus mo. Sumigaw na lang ang conductor ng

LIPA! LIPA BUS STOP!

p0+@*7^$%$! THANK YOU LORD ALMIGHTY!! Bumaba ka na't yaan mo na si manang mabulok sa kabad-tripan niya!! UMM! MANIGAS KA MANANG! MANIGAS KAAAAAAAAAAAA!