Yung besprend ko na hindi ko na madalas makita, e nakita ko kanina. Etong besprend kong to e makulit to sa tunay. Pag nakikita ako nito e talaga namang para akong magnet o kaya taeng naka-attract ng langaw. Nakakahiya minsan kasi, ihahug nya at ikikiss ako sa harap ng madaming tao, ung tipong isang dekada hindi nagkita ba? Pero hinahayaan ko na lang. Besprend ko e. Pake ba nila?
Nang nakita ko kanina. Masayang masaya. Inakap na naman ako ng pagkahigpit higpit. Enrolment nitong araw at nakapila ako sa encoding area. Ayun. E di nagkita nga kame. Mageenrol din ang gaga. Nagkamustahan. Nagkatawanan ng konte. Tapos tinanong:
"Pwede po tayo mag-usap?"
Oops. Serious-serious to sigurado.
At syempre tama ang hinala ko. Dahil nung dinala ko nga sa mas private na lugar e dun na nagsimula ang lugaan, este luhaan. Ang aking besprend pala ay kasalukuyang
heartbroken. As in, tunay na heartbroken - sa pagpayagak nya pa lang e mukhang matindi ang kagaguhang nagawa sa kanya e. Tsk tsk tsk. Kawawa naman ang besprend ko. Tipong humagulhol at
put your head on my shoulders ang dating namin kanina. Aba, first time kong nakita siyang ganon. Tapos, di ko na masyado maintindihan yung mga kinukwento nya kasi sinasabayan nya ng iyak at pag-singa ng uhog sa tisyu. At dahil besprend ako, trabaho kong makinig sa kanya kahit pa basang-basa na yung sleeves ng suot kong blouse dahil sa luha niya.
Yun nga lang, mahina ako sa mga ganitong bagay.
Sa totoo lang, ayaw ko ng mga ganitong eksena. Yung mga
ganitong eksena e
ayaw ko.
Pero, again and again, besprend ako kaya....oo na paulit-ulit na ga ko?!
Tinamaan pala talaga ang aking besprend. Siya pala'y
deeply wounded at tinatago lang niya sa harap ng ibang tao. Tapos, sinabi pa sa akin na yung mga prends daw niya ngayon ay hindi mapagka-tiwalaan...
Dine ko napag-isip-isip na: kagaling ko pala at ang tingin pala talaga sa akin ng aking mga prends ay TRUSTWORTHY ako. Aba, something to be proud of. Pero deep inside, I know that's not completely true...
O siya, siya. Mabalik sa besprend kong luhaan.
Nagpasensya naman ako sa kanya na hindi ko siya mabigyan ng anumang magandang advice. At ang magagawa ko lang e gawin nya akong
imbudo ng kanyang galit at pagdurusa. Na galak ko namang ginagawa. Tapos, tinanong ako ng gaga kung pwede daw kaming mag-inom.
Aba, gaga pala talaga.
Kako, wala namang magagawa ang pag-inom.
At least daw, makakalimutan daw nya kahit papaano.
Kako, e yung kahit papaano na yon e
kahit papaano lang talaga. In the long term, maalala pa din niya ang mga pangyayari.
Suskopow! -AY LALONG UMIYAK, E!
Tsk tsk, pag-ibig nga naman. Pag mahal mo nga naman yung tao e bulag ka to all reasoning, e no? Sayang pa naman byuti ng besprend ko kung iiyak lang ng iiyak. Helpless naman ako dahil wala akong magawa kundi magsilbing tisyu sa mga luha niya at maging rekorder ng kagimbal-gimbal niyang karanasan sa pag-ibig! (hindi naman ganong kagimbal-gimbal, hehe)
Dahil hindi ko na alam ang pagtutuluyan ng kwentong ito ay pansamantala ko munang ititigil ang pagta-type -