Wednesday, June 25, 2008

...HANDA? ...Awit!

We got problems...

Sa tutuo lang, feeling ko lang e problemado ako sa buhay. Pero kung titingnan ng ibang tao e gaga-pitik ng kulangot ang mga problema ko sa problema nila. Matagal na isyu na yun sa kin e. Problema ba yung mataba ka?Problema ba yung manana habit mo? Mas matagal na isyu na yan sa kin e. Problema ba yung lie low sa love life? Madami nang isyung ganyan...

We dont know how to solve them...


Minsan sobrang tuliro na nga sa problema e di na makagalaw - oo, yung style na maiistroke na. tsk tsk. ganyan ga ako kanina. Kuay. Wari ko e bungisngisan yung mga miss na katapat ko sa jeepney kanina.


Everywhere we go, we got some skeletons that follow..
.

Ai, dyaske naman! talaga pag tuliro ka na, e hindi mo na alam gagawin mo! At lalo pa nagkaka-problema! Yung style na kinakausap ka pala ng friendship mo e hindi mo siya pinapansin dahil baon ka sa problema kaya nagtampo si friendship at nilayasan ka! - oh? problema!

We got baggage, you know we gotta drag it..
.

Talagang sunod sa'yo pag di mo nalutasan agad.

Everywhere we go for everyone to see!

At kitang kita sa mukha mo na lubog ka sa baha ng iyong rumaragasang problema dahil puknat sa kunot at linya ang noo mo at nguso mo ay nakatawid na sa kabilang kalsada kung tatawid ka sa pedestrian lane!


No comments: