Monday, June 09, 2008

Too Good To Be True

MASAKIT ANG KATOTOHANAN.

Yan ang naisip ko nung binabasa ko ung GRIMM'S FAIRY TALES sa www.scribd.com.

Eto yung mga na-realize ko after basahin ang at least 444 pages ng GRIMM's fairy tales:

1. Hindi naman pala kiss ng prince yung gumising kay Briar Rose aka Sleeping Beauty. Tyempo lang na dumating yung prince at hinalikan siya at tamang tapos na yung hundred years na enchanted sleep niya kaya siya nabuhay/nagising.

2. Hindi din kiss ng prince yung bumuhay kay Snow White nung andon siya sa loob ng glass coffin na ginawa ng seven dwarves para sa kanya. Nakita naman nga siya nung prince nung andon siya at na-in love sa kanyang beauty, tapos hiningi ng prince sa seven dwarves ung katawan niya para dalhin sa kanyang palasyo - pero hindi siya hinalikan. Nung daw kasing binubuhat na ung glass coffin e naibo ung ulo ni Snow White at nahulog mula sa bibig niya ung piece ng poisoned apple na nakain niya (pero di nalunok) at nagising na siya non!

3. Walang fairy godmother sa Cinderella aka Ashputtel. Pero may mga birds na tumulong sa kanya at nagbigay sa kanya ng kanyang magarang damit at hoi- golden slippers.

4. Yung eldest stepsister ni Cinderella ay nagputol pa ng isang toe para lang magkasya yung sapatos sa kanya...dadalhin na sana siya ng prince para maging asawa - buti nakita ung duguan na sapatos at ibinalik siya.

5. Yung younger stepsister naman e binawasan ang sakong para magkasya sa sapatos paa niya...pero nakita ng prince na duguan yung stockings niya at ibinalik din.

6. Wala ring pumpkin na nagiging coach para dalhin si Cinderella sa ball ng prince.

7. Tatlong araw palang nagkaroon ng ball ang prince. At gabi gabi ay si magandang Cinderella ang kasayawan niya.

8. Hindi bumabalik sa pagiging raggedy si Cinderella sa stroke ng midnight. Tyempo lang na pagod na pagod na siya ng kasasayaw with Prince Charming at tinatakasan na niya ito. hehe

9. Nabuntis pala si Rapunzel ng kanyang Prince bago siya putulan ng buhok ng bruha at ipatapon sa malayong lugar. Naianak na niya nung natagpuan siya nung Prince na nabulag nga as the story said - hello, kambal pa!

10. Hindi pala nilamon si Rumplestiltkin ng lupa nung sa sobrang galit niya ay pinadyak niya at nabiyak ito. Sumuot lang ng konti yung paa tapos hinila niya at umalis na din from the buhay of the queen.

11. Enchanted prince nga naman sa Beauty and the Beast. Pero LION specifically. At sa araw lang siya lion at nagiging paparoo na ulit sa gabi.

12. Lily ang tunay na name ni Beauty.

13. Hindi rin kiss ni Beauty ang nagpawala ng bisa sa enchantment ng kanyang lion prince. Hulaan nyo kung ano.

14. At lalong hindi talaga kiss ang nagpabago sa frog prince para maging tao ulit siya!

Well, sa tutuo marami pang kababalaghang dapat mabatid pero siyempre I wouldn't want to be spoiling the fun and the fantasy - pero un talaga ung version ng Brothers Grimm. Saya-saya nga e. Tapos yung ibang stories so morbid and so horrifying to think. Parang Greek myth. May mga mothers and stepmothers na pumapatay ng mga anak nila tas papakain sa mga asawa, mga hari slash father na gustong pakasalan mga anak nila...mga witch aka sorcerer... Nakakatuwa lang talaga pag kwento na tungkol sa babae, hindi talaga sinasabi kung ano pangalan ng prince - Alvin ba ito, or Richard or Charming whatever. And so shocking naman to me yung discovery numbers 4 and 5. Oh, to put on those shoes lang, talagang nagbawas pa ng parte ng paa. Gosh. Eww. At least nga naman prinsesa sila or queen kung natuloy na sila yung pakasalan ng prince. Tawang tawa naman ako dun sa kwento ni Snow White. POTA. Kala ko naman soo romantic na ang pagbabalik-buhay ni Snow White. SOSKOPOW. Buti naman ginawan nila ng mas child-friendly na versions tong mga fairy tales na to.


Well, kung nabasa nyo syempre kanya kanyang opinion di ba?

2 comments:

old ka silyas said...

yung iba dyan eh parang napanood kona dun sa cartoon, oo ganun nga yung nangyari...pero yung iba gaya ng putulan ng paa, pakinsyet brutal non, parang di ko alam yun...ganun ba talaga yun?

Kikay said...

uo...yun talaga nabasa ko e...hehe try mo din basahin...kakatuwa.. bwahaha