My compilation of all my favorite rock acts and my fave songs by them...
A must-hear to all Pinoy Rock Enthusiasts! (haha parang album no?)
From solo to group - from dating may group to ngayon ay solo - from luma to bago - from acoustic to raprock - from kilig to ka-weirdohan and other what-you-have!
poooootang-ina. Nose bleed sa ingles!! Wooot!!
Eto nang sariling atin!!!
Sorry na lang sa mga inglesero na di maalam mag-tagalog pero ang kulay ay mas Pinoy pa sa Pinoy! Hanep ka! Anong klase kang tao! Mahiya ka sa balat mo!
At syempre para mas Pinoy may mga comment at pula (praise ito sa ingles) din tayo....magsawa kayo sa pagbabasa!!
1. Yugto by Rico Blanco
>>>>>>hanep sa titik (lyrics)! "lumiyab ka!"? saan ka pa? malalim man ang ibig sabihin pero pampa-luwag loob lang naman ang gusto ni pareng Rico ...pang-kumpidens, aheheh
2. Your Universe by Rico Blanco
>>>>>>rico ulit? ai sore ha...mipaborito ko kasi yan ngayon. Eto, pampa-kilig to. Meron talagang mga tao na biniyayaan ng magandang nakaka-kilig na boses...tulad ng ex kong si rico blanco (huh? pare na ex pa!)
3. Disconnection Notice by Pupil
>>>>>>intro pa lang kumukuyug na ang bilbil ko...dahil talaga namang nakakadala! aba'y ikaw na! futris na yan. Di nag-iiba ang boses at hitsura ni ely sa nagdaang panahon pero eksmyuski...kaka-iba na talaga mga palabas (videos) ngayon! Ang bandang ito ay kasama sa listahan ko ng Paborito kong pakinggan!
4. Procastinator by Sandwich
>>>>>>inpeyrnes! Friends sila no? Yihee! Haha Cute ng tandem ni ely at raimund...bah. pinaka-kontrobersyal sa rak sin (rock scene) of the century...syempre iba pa yung ke pepe smith at mike hanopol. Etong kantang to isa pang nakakadala!
5. Kailan by Bamboo
>>>>>>rebaybal ga ire? parang narinig ko na...eh yun talaga uso ngayon ke pareng bamboo eh...ung tatsulok rebaybal na din un eh...medyo tampo din ako sa kanya..wala na kasi minsan bago!
6. Message in A Bottle by Wolfgang
>>>>>>To Kane Dela Cruz. Salamat sa pag-introdyus mo sa akin sa ganitong klaseng rak. Ako'y nagbago ng pananampalataya!! Haha! Isang ebidensya ng kagalingan ng Pilipino!
7. Balong Malalim by Juan Dela Cruz Band
>>>>>>heto na! heto na! Unang panahon pa! Hindi pa ko napapanganak! haha! Pero dahil kinakanta sa kin to ng tatay, lolo, nanay, at tiyo ko sa akin (at ng ilang adik sa kanto) nung kamusmusan ko e ika nga e "nursery rhyme" na ito! ito ang orihinal na PINOY ROCK!
8. Limang Dipang Tao by Barbie's Cradle
>>>>>>Si mareng Barbi ang isa sa may pinaka-magandang boses sa mga alam kong musikero. Pagsa-lambing. Pagsa-lamya. Pero Rock! Tong kantang to- wala. Natawa lang ako sa laman niyang kuwento!
9. Kaledeiscope World by Francis Magalona
>>>>>>Eto....madalas kantahin to sa bidyoke! Haha! grabe...di ata nawawala sa inuman at bertdeyan..kaya di pwedeng hindi isama! mabuhay ka pareng kiko! (susme, parang katanda ko na sa ka-pare-an ko!) -----"you can't talk peace when you have a gun"----
10. Ang Ating Araw by Dicta License
>>>>>>"Sisikat nang muli ang Ating Araw, sa nayong may himig ng hanging hinipan ng banal! Tulad ng awit sa pumipiglas sa kahon ng kundiman!" haha eto kasama sa listahan ko ng "patriotic songs". Pakinggan mo!
11. Guillotine by UrbanDub
>>>>>>prawd na prawd ang mga cebuano sa kanila... napanuod ko na sila live...close up tols - exhibit lang sa megamall e. napaka-bait,. taong-tao tong mga to. walang yabang. Aprub!
12. Palistuhan by Francis Magalona feat. Ramon Bautista
>>>>>>commercial break lang po....haha mukhang tanga man si ramon bautista, sikat naman siya! o ha? ganyan talaga ang buhay :D
13. Lucky by Kamikazee
>>>>>>eto katapat ng New Found Glory sa pagbersyon bersyon ng mga kanta! haha ikaw na! Britney Spears! nakakatawa bumigkas si pareng Jay ng mga ingles...hihihi
14. Migraine by Moonstar88
>>>>>>"oo nga pala, hindi nga pala tayo!". pootangina. mga kantang nakaka-sakay ako. sa dami ng mga lalaking napaibig ---------- ako! hihihi
15. Alumni Homecoming by Parokya Ni Edgar
>>>>>>hihi ang bigotilyo nakakatuwa. isa sa mga pil gud myoosik ang mga kanta ng bandang parokya. Kaya hindi rin nawawala sa bidyoke at dyamingan.
16. Lie by Saydie
>>>>>>hahay. lagas ang lalamunan kung kakanta din ako katulad ng bokalista ng Saydie na si Kat. uso na kasi ngayon yung mga humihiyaw na babaeng bokalista - yung ala-tigre ha hindi ala ala-pusa.
17. Anghel by Stonefree
>>>>>>isa pa tong bandang to. Bilib ako. Galing. ganda din ng boses. Awww. nahohorny ako pag naririnig ko ang boses niya....yieeeee!
18. Hari ng Sablay by Sugarfree
>>>>>>ang kapalpakan ng pinoy. pero hindi palpak ung banda a? hihihi asteg nga eh. inamin naman ni ebe dancel na di siya magaling mag-gitara kaya pa-ridim ridim na lang sila e. o?
19. Perfect by True Faith
>>>>>>sarap kantahin sa syota. period.
20. Oo by Up Dharma Down
>>>>>>eto kanta ko to sa best friend kong lalake na tinulungan kong manligaw sa kabarkada kong babae at naging sila. Lab yu pa rin tol! Ikaw ang besprend ko doon!
21. Will You Ever Learn by Typecast
>>>>>>emo. pero magaling ha! kita ko din tong mga to ng live - bah! may ibubuga naman talaga eh! ingat lang pag manunuod ng mga palabas nila-----meron talagang rambulan ang mga anak ng putakting mga emo na fans! boolsheet. batuhin ka ba naman ng pitsel ng beer!?
22. Bizarre Love Triangle by The Speaks
>>>>>>parang one-hit wonder ang the speaks non. Kasi ung kantang "HIGH" lang nila yung sumikat sa Pinas eh. tsk. E nagka-album pa ko nito kaya alam ko yung ibang kanta. tulad nyan. Pero sa USA sikat sila oi, dapat talaga tangkilikin natin sarling atin.
23. Laklak by Teeth
>>>>>>isa pang di nawawala sa bidyoke!! lasing ka man o hindi lasing! bata man o matanda! payat o mataba!
24. Wake Up by Slapshock
>>>>>>ewan ko ba. hindi naman guwapo ung bokalista. pero kras ko.
25. Para sa Masa by Eraserheads
>>>>>>"naalala nyo pa ba? binigyan namin kayo ng ligaya" parang goodbye song. na pang-masa.(?)
26. Suntok sa Buwan by Eraserheads
>>>>>>hihi si besprend ginawa tong theme song nila ng gerlprend nya....yiheeee. oi ako ha? tumulong ako!
27. China Eyes by Alamid
>>>>>>da best! (pansin nyo din? umuunti na laman ng sinasabi ko?)
28. Your Love by Alamid
>>>>>>boolshet. Sa lahat ng alam kong mag-kasintahan, isang punto sa relasyon nila nagin theme song nila to!! Woo! Bidyoke classic!
29. Panaginip by Siakol
>>>>>>mas trip ko yung peksman kaya lang ayaw mag-lod ng husay. kakarumi ang playlist. hihihi pero eto maganda din to. Siakol pa? kahit nanay ko alam mga kanta nila!
30. Inosente Lang Ang Nagtataka by Rivermaya feat. Raimund Marasigan
>>>>>>hindi ko akalain na kakanta ng ganito si pareng rico. haha! di ko pa maintindihan ibig sabihin ng kantang to. pero mas ayus di ba? pag di mo alintana ibig sabihin?
31. SuperProxy by Eraserheads feat. Francis Magalona
>>>>>>samahan ng nagkaka-isang musikero ng pilipinas. haha gawa-gawa ko lang yon. ay layk dis sung beri mats....isa sa dahilan kumbakit humiram pa ko ng anthology ng e-heads...1 and 2 ha!
32. Hinahanap-hanap Kita by Rivermaya
>>>>>>awwww.........pooootangina ka, Bamboo Manalac! Sana ka-boses mo ang magiging asawa ko tapos kakantahan ako nyan kasama yung parang ad lib ba yun? yung nabulong ka? haha!
33. Bakit Part 2 by Mayonnaise
>>>>>>napa-bilib ko besprend kong babae dito. kinanta ko to sa jamingan kahit todo tonsilitis ako nung panahon na yun. tsaka nakaka-"relate' ako. ang tataba nilang lahat - maliban sa kawawang drummer na parang di napakain.
34. Same Ground by Kitchie Nadal
>>>>>>gusto ko pag sumikat ako...itulad ako sa boses ni kitchie nadal. yipeee!!! pangarap! why not? pareho naman kami babae. yung boses kasi niya parang babaeng nagka-climax.
35. Akap by Imago
>>>>>>hihihi. dito ako nakilala. tsk. sa ito lang lagi kantahin ko sa akwentanz parti! haha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment