Tuesday, March 03, 2009

BeybiCakes Blues, 25-storey Twin Tower Design Problem, Funny Komiks and MAHADERA

Selos.

Nakakadala ng emotion.

Super. Lalo na pag may period ka. Tsk.

Di ko maintindihan ang feeling. Hrrgh.

Kasi si BeybiCakes eh.

Anyways. Ngayon lang ulit ako nag-blog. hihihi

Naalala ko tuloy yung comics na uso sa ming kabataan nung araw - ung FUNNY KOMIKS.
Meron dung series (di ko alam na series ang tawag don non) na ang title ay SUPER BLAG.
hihihi iniisip ko pa lang natatawa na ko. Pero mas nakakatawa eh nakalimutan ko na kung ano kwento non! Haha something bout sa superhero na bulok ewan hahah
Kasama non yung Combatron at Itlok. Hihihi Tanda ko pa yon kasi 10 pesos lang me comics ka na. tas di ka na pupunta ng bayan para bumili kasi me tinitinda yung umiikot na magdyadyaryong nakabisikleta tuwing umaga. Hay. Kakamis maging bata.

Balik sa present.

In-extend ung plate namin na tinatamad akong gawin. Simple lang naman yung Design Problem e (para sa mga magagaling, syempre EXcluding me). 25 storey twin tower residential building.Tapos sa Quezon City pa. Nung January pa dapat pasahan - isinantabi muna kasi sumali kaming lahat (ang block namin na nagiisa lang naman sa buong year level) don sa Pinakamagandang Bahay Sa Balat ng Lupa na pauso ng UPCA - inuna muna namin yon. Kaya ayon na suspend ang due date. E ngayon naka-submit na kami nung PMBBL, biglang nag-decide si ser na ipasa agad after nung puyatan namin sa PMBBL. E ayun. Kasi mga cramming kings and queens kami. Alam ni ser yon. Pero katamad talaga gawin to. I don't know why. Pero galeng ng classmates ko a! Na-kutuban nilang ie-extend! Samantalang ako (10 % pa lang kasi nagagawa ko eh pasahan na the next day) e nagbabalak na ako kung anong gagawin ko kung titigil ako next sem dahil di ko naipasa tong Design. TALK ABOUT PRANING!

hihih

ika nga ni besprend Vida - Ang buhay ng Arki - MASAYANG TUNAY! amen!

Isa pa yung assignment sa OJT. Wala kasi opis si ser kaya todo take home lahat ng gawain. Ayun e di nakukuha din yung time ng acads namin. ewan ko ba sa nag-schedule ng OJT namin - me kasabay na Acads! Grr. Dapat OJT e isang buong sem eh. O kaya nilagay na lang sa summer. para loytu loytu. Di yung ganitong pinapahirapan kami. tsk. at least natatackle ko na mga pagsubok kapag under ka ng isang sobrang busy (as in lubog na kami sa projects, siya lang kasi ung pinaka-arkitek don sa bayan na yon e) na architect - tapos wala kayong blessing of God na office space na merong mga computers and working tables.

Di naman sa nagre-reklamo. Nangi-imbyerna lang. Haha

Bago ko nga palang natutunang word from Pandit : MAHADERA.

kasama ata yun ng mga maldita at epal at syokoy.

Kuay. May field trip pa sa matagal ko nang inaasam mapuntahan ( as in todo nung first year pa lang ako sa arki). VIGAN trip!!!! Woot!

Sana nga lang magka-pera si BeybiCakes para makasama siya.

I Love my BeybiCakes.





No comments: