May research pa ko sa design pero ang iniintindi ko eh ang mabuo ko ng maganda ung Fur Elise ni Mozart sa gitara kong bulokin.
Asar pa. Kasi late pa ko nung in-explain ni archt. Codia ung research. Nakasalubong ko na lang non si Sempai-Nole sa fire exit (kasi dun kami dumadaan papunta sa drafting room)...
"Oi, lagot tayo!"
(ako naman si hikahos na sa pag-lalakad e napa-)
"Baket?"
"late tayo eh, 2000 words sa tin."
"huh? Ano?"
"may pinapa-research si ser e, ung summary and final conclusion e minimum ng 2000 words!"
"eh ganon?"
"oo, tingnan mo na lang sa board ung mga notes."
"kupow."
"geh, bye."
"san ka?"
"uwe na!"
saya talaga nina Sempai. May boarding house kasi sila malapit sa school...kayang kaya umuwi anytime - at mabilis na maka-balik.
Dumating na lang ako sa room. Lugmok ung mga tao.
"oi rorin-chan, may research tayo!"
"Oo nga, sabi ni Sempai-Noli."
2000 words? Big deal or no big deal?
Siguro kung madami ako resources eh magagawa ko to ng madali, as in no hassle...
ang problema wala eh.
Tapos sumasabay pa nga ung buhay lovelife ko (buhay na life pa). Asar.
Mag-oonline ako, puro sila busy sa paghahanap ng references...ang sipag nila. tapos ako e eto kumakaskas lang sa gitara at nakikinig ng classical music (napahilig ako dun dahil sa panunuod ng Nodame Cantabile: isang magandang anime na puro music). tamad ko talaga.
Submission na sa tuesday.
Ahay. Mapalitan na nga ng 0 etong number 1 kong string.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment