Wednesday, June 25, 2008

...HANDA? ...Awit!

We got problems...

Sa tutuo lang, feeling ko lang e problemado ako sa buhay. Pero kung titingnan ng ibang tao e gaga-pitik ng kulangot ang mga problema ko sa problema nila. Matagal na isyu na yun sa kin e. Problema ba yung mataba ka?Problema ba yung manana habit mo? Mas matagal na isyu na yan sa kin e. Problema ba yung lie low sa love life? Madami nang isyung ganyan...

We dont know how to solve them...


Minsan sobrang tuliro na nga sa problema e di na makagalaw - oo, yung style na maiistroke na. tsk tsk. ganyan ga ako kanina. Kuay. Wari ko e bungisngisan yung mga miss na katapat ko sa jeepney kanina.


Everywhere we go, we got some skeletons that follow..
.

Ai, dyaske naman! talaga pag tuliro ka na, e hindi mo na alam gagawin mo! At lalo pa nagkaka-problema! Yung style na kinakausap ka pala ng friendship mo e hindi mo siya pinapansin dahil baon ka sa problema kaya nagtampo si friendship at nilayasan ka! - oh? problema!

We got baggage, you know we gotta drag it..
.

Talagang sunod sa'yo pag di mo nalutasan agad.

Everywhere we go for everyone to see!

At kitang kita sa mukha mo na lubog ka sa baha ng iyong rumaragasang problema dahil puknat sa kunot at linya ang noo mo at nguso mo ay nakatawid na sa kabilang kalsada kung tatawid ka sa pedestrian lane!


Sunday, June 22, 2008

Potah. Bitterness.

"...your bestfriend always sticking up for you...even if they know you're wrong..."

uyyy.


Hwala lang. Fave line ko sa kantang
DROPS OF JUPITER ng bandang TRAIN.

WOPS.


Oo. Piano rock. Hehe
It's time for a change of likes. Maganda naman siya. Its good to discover other genres naman. Hindi naman habambuhay e hardcore ako... Kahit pa cool tingnan sa isang lola na naka-mohawk at iba iba kulay ng buhok at may lip piercings, e hindi talaga patok sa norms ng Pinoy eh. (Di bale na lang kung mapa-uso nga yon pagdating ng araw) At least, pag na-discover ng mga magiging apo ko na rakista pala ako nung araw e matutuwa sila na meron silang lola na dating HARDCORE.

Bwahehe. Ehem.
Balik sa Piano Rock.

Kasama jan yung mga favorites nating lahat:

Bohemian Rhapsody ng QUEEN

November Rain ng GUNS N ROSES

Brick ng BEN FOLDS FIVE

Let It Be ng THE BEATLES

I Believe ng BLESSED UNION OF SOULS
How to Save a Life ng THE FRAY

100 Years ng FIVE FOR FIGHTING

Rosanna ng TOTO

Ordinary People ni JOHN LEGEND

Imagine ni JOHN LENNON

Stare at the Sun (Acoustic) ng THRICE

Crocodile Rock ni ELTON JOHN


WOPS.


Ano nakita mo? May alam ka ba? Meron sigurado. Ano? Walang Maksim kamo? E classic piano yun, ineng...


Maganda rin yung mga PIANO TRIBUTE na ginagawa ngayon...andami na...di ko pa nga napapakinig lahat. Pero natuwa ako dun sa PIANO TRIBUTE to MY CHEMICAL ROMANCE. uhUH meron. Pati nga Yellowcard, Paramore at Fall Out Boy.


Galing.


Promise.


Potah. Bitterness. Yung banda ko ngayon tinanggal na ko. Bumalik na kasi yung dati nilang vox. Asar. Anticipated pa man. Tsk Tsk Tsk.FOTAH. KUnyari OK lang, ha? Ok lang.

Friday, June 20, 2008

$15 MILLION or HIS HEAD GOES OFF

Laya na pala sila CES DRILON.

Nine Days. Sa tagalog, siyam na araw.

Ano kaya feeling 'non? Ma-kidnap? Not that I want it to happen to me - not everybody gets to be kidnapped everyday. Eh sino ba gusto mangyari sa kanila 'yon? Di ba? Especially at lalo na (huwat? redundant?) na nanahimik ka lang sa isang tabi tapos KABOOM! you're on TV with a blindfold to your eyes, hair on all directions and tattered clothes holding a sign that says:

$50 MILLION or HIS HEAD GOES OFF.

Sapul no? Sakto lang. Hindi sa yan yung hiningi nila. Pero kung ako nang-kidnap e ganyan hihingin ko. (sosyal, criminal minds pala ito!)

Hay, buti walang napugutan ng ulo, 'no? Shockers yon... Naalala ko tuloy yung pinanood ko sa Youtube...Alam mo din yon? Yong sa POSO? eeewwww...shockers talaga. KADIR-DIR!

Schuckz naman, bad reputation talaga abot ng vayan kong lufain ng ginto't vulaklak! Kahit pa hindi foreigners 'yong na-kidnap tulad nung kina Burnham... What with all these corruption and kagaguhang happening.

Ohoy...kala mo di ako mahilig sa mga ganyang balita no?

Watever, 'NO?

Balik tayo sa nine days.

Tagal naman ng pagkaka-negotiate. Promise. Na-harass tuloy ang byuti ni kumareng Ces. Tsk tsk tsk. Tapos, I heard, sinasaktan pa sila don - especially nung time ng negotiations. Grabeh. Saan ba daw sila inilagi? (proves na di talaga ako nagbabasa at nakikinig ng mahusay sa news) San kaya sila nagsi-CR don? Ikikiskis sa pilapil? May pilapil ba don? E ano ba daw yong pilapil? i bet di sila nakakain don ng husay - for fear na may lason yong pinapakain sila. Alam mo yon? Yong mga type na sadista talaga - kahit palayain ka e sure sila na mamamatay ka rin!

SHOCKERS!

Gagawa din kaya si Ces ng book tulad ni Gracia Burnham? Sosyalin naman si mareng Gracia eh.

Natsismis pa na sugo talaga ni PGMA ang mga kidnappers to make the headlines once again. Shockers. Kaka-hurt. To think a woman such as our dear President can be the real terrorist.

Eh? Ano nga kaya, 'no?


Tuesday, June 17, 2008

Ang isang stik ng yosi ay mayroong 285g ng Vit.A & D

eto eh yong dalawang text message na sinend ng isa kong friend...hi sayo

nagtataka ko kung nu ba nakukuha sa sa yosi...

porma?

Astig?

Sbi ni _____:

"cmple lang nmn...

mlpit kc ang PUSO s LUNGS...

...Bwt hit2, bwt buga, tnatakpan n2 ang puso ko...

Bnabalutan ng ulap..
Ulap na ngpapamanhid s dmdamin..
Parang anestixa..
Sa gn2ng praan, lht ng skt ng puso ko nbbwasan...

Ms ggus2hin qng maunang mwasak ang baga ko...

kesa unti2 akng mmtay sa hapdi ng nararamdaman ko._.

::aw...yosinatics!

.Ai ineng! Pti yosi npagdiskitahan.::

---Mga istayl ng PINOY yang mga ganyang text...huwag nang magtaka. Tayo ay likas na EMO. Aminin mo man o hinde!

Eto ung padal'wa...

"Ang isang stik ng yosi ay mayroong 285g ng Vit.A & D. at madadagdagan pa ng 1200mg ng Calcium at 2% Flouride kung sasabayan ng lambanog. Yan ang mga bagay-bagay na inililihim s'atin ng mga nutritionists."

-Bob Ong

Ang sikat na si Bob Ong, na nagsulat lng naman ng Ang Paboritong Libro ni Hudas, ay isa talagang henyo pagdating sa mga kalokohan - na may saysay - ng konte. Yan ang mga PINOY. Galing!

At kung na-disappoint kayo ng laman ng blog kong ito...eh pasensyahan na lang tayo!

Na-release na ba sina CES DRILON?

Monday, June 16, 2008

di ko pa nakikita yung crush ko, ah

UHUH!!
Mainit.
Basang likod.
Tumutulong pawis sa noo.
Magabok na hallway dahil sa rumaragasang kotse sa dirtroad na dadaanan mo papunta sa iyong building.
Oo. Dirtroad. Yon na ung pinakamalapit na definition. Hindi naman ganon ka-primeval ang university pero mas maganda sana kung pinasemento na no?
Dami pang tao.
Ehem. Students pala.
Halatang halata yung mga freshmen., o. Tingnan mo yung isa may towel pa sa likod o. Hehe
Aba, si sir o ngumangalngal na sa megaphone:

"Maari lamang po ay magtungo na sa gym at sisimulan na po ang flag ceremony."

Flag ceremony....uso pa pala yon?!

Hay, ikaw nakakalimutan mo na ang iyong patriotism.
Saka na yon.
Aakyat pa ko ng hagdan pa-third floor.

Aba naman. Madaming tao. Madaming freshmen.

Oy,friend! Ang taba mo yata ngayon?

TANGNAMORIN!

Hey, long time no see! Kamusta? Gumaganda tayo,ah?!

YAN! Yan ang mga bati sa first day of school!

UY! Bago 'to a! May schedule na kaagad?!! HUWOWAT!? Lemme SEE!!
Nyak. My schedule nga. Wala namang instructor yung ibang subjects.
Kasi naman nagsisipa na naman ng mga instructor ang magaling na Kataastaasan. Kaya naman yung iba e napipilitan ng umalis in their own time para di na sila masibak.

Ate, excuse, alam mo ba tong room na 'to?

Naks. Ayos tong freshie na to. Nagtatanong. Ika nga, ang nagtatanong ay nagmumukhang TANGA pero ang hindi nagtatanong ay nananatiling TANGA. Kaya lang wrong timing talaga tanong niya kasi naman...

Ah, room 302 bah? Yan oh...asa likuran mo lang tol. (pabulong - nakalagay pa ang laki-laki room 302.)

At least, nag-thank you naman siya, no.

Wala namang pinag-bago ang school na to. Hmm, yung elevator na ginawa eh di pa naman umaandar. Isa pang wrong timing yang elevator na yan. Kung kelan mataas kuryente at kung ano pa mang bayarin. Well, kaya nga siguro di pa rin siya pina-paandar. Makes sense.

Eh, HELLO, kamusta naman yon? Ang mahal kaya ng pagawa ng elevator na yan?!! Tapos, tatambak lang diyan?! OMG!

Anyways...

Mga friends ko wala naman pinag-bago. That's good. I like them just the way they are. Kaya ko sila friends eh. Meron lang mga na-heartbroken over the summer. Yung iba na-heart burn tulad ko (ibig sabihin e tumaba). Yung iba weirdo pa rin. mahahangin pa rin. Yung iba e babading-bading pa rin, as always, na wala na talaga pag-asa para maging tunay na lalake...o babae. Pero yan kami...MIXED NUTS, ika nga nung dati naming professor.

Naks, friend ko nga pala bagong President ng Student Council!!!

Oh, ano iniisip mo diyan?

Iimpluwensyahan ko para masunod gusto ko? Namin?

We'll see... *laughs the evil laugh*

At diyan nagsisimula ang corruption ng PILIPINAS. Sa school.

Ay, eto na naman si Mokong. Nangungulit. Mag-opiser na daw ako sa org namin. Iiiih. Kakatamad mag-opiser. Pero maganda yong org na yon...nationwidest. Tapos madaming gimik. Huh, I know - nakasama na ko sa gimik nila e. Hehehe. Pero pag-isipan pa mag-opiser!!!

Hoy, mahirap na trabaho yun, bah.

Hay, ewan ko....unang araw pa lang naman ng pasukan e. Hinay-hinay lang, di ba?

....di ko pa nakikita yung crush ko, ah.....


"get somebody, get somebody...!"

~OI!
first day of school sa university namin...pero di pa ko naliligo.
nagulat ako sa alarm ko kanina. Sumisigaw si...ay kumakanta pala...si Beyonce...
"get somebody, get somebody...!"
Aba! On your face! Haha!

Hmmm...mukhang di pa ko masasanay gumising ng maaga ngayon a.

Nakananganaman.

ano ba naman gagawin sa school sa ganito araw? Sigurado wala pa schedule...
Sa tatlong taon na ipinasok ko don e kahit kelan e hindi lumabas on time ang schedule namin.
BOLOX na sistema.

Well, at least, hehe scholar ako sa university. Potek, anong KONEK!?

Anyways, GOOD MORNING, world!!!!

P.S. Sabi ng horoscope ko e magiging sikat daw ako ngayong araw....Holy KAMote!!

Sunday, June 15, 2008

PANG-ASAR

KIKO: hoy, pakuha nga ng kutsara.
KIKAY:Ha?
KIKO: Pakuha nga ng kutsara.
KIKAY: INOLET!!

***
eto, classic to...
Ring....ring....ring...
KULAS: Hello?
CALLER: Hello, tumatakbo ba ang metro ng tubig nyo?
KULAS: Sandali, titingnan ko...
(tinignan)
KULAS: Oo, tumatakbo.
CALLER: HABULIN MO!

***

ANAK: Nanay, pahingi ng pera, ha?
NANAY: O sige, kuhanin mo muna yung wallet ko at ikukuha kita.
ANAK: Wag na po, Nay. Nakakuha na ko.

***

KULASA: Kulas, anong ingles sa malunggay?
KULAS: Ano?
KULASA: Many-leaves!
KULAS: Ah.
KULASA: Kulas, anong ingles sa atis?
KULAS: Ano?
KULASA: Many-seeds!
KULAS: Ah ganon.
KULASA: Kulas -
KULAS: ANO!?
KULASA: Ano naman ingles sa pinya?
KULAS: (nag-iisip..) kala mo maloloko mo ko Kulasa....
KULASA: oy ano na sagot mo?
KULAS: HA! Alam ko na!
KULASA: O ano nga?!
KULAS: MANY- EYES!
KULASA: Tanga! PINEAPPLE!

***

eto, joke to ni sir pol medina jr. sa pugad baboy
DAGUL: Ang sarap talaga ng alimango!
BARBIE: Ay ingat ka jan. High cholesterol yan. May nabalitaan ako taga- Munoz sa San Andres kumain daw ng apat alimasag na matataba na puro aligue habang nakikipag-inuman. Dyuminggel sa isang tabi, ayun! Bumulagta, patay!
DAGUL: Bakit? Na-high blood?
BARBIE: Hindi. Sinaksak ng adik. Walang'ya talaga mga adik sa San Andres.


***

PANDOY: Pare, pautang munang pang-lunch. Nawala yong pera ko e. Di ko makita. 500 pa naman yon.
KULAS: O cge, gusto mo libre pa kita!
PANDOY: Ba, ma-pera tayo a!
KULAS: Di naman! Swerte lang. NAKAPULOT ako ng 500 pesos kanina, e!

***

noong una ko tong mabasa e di ko ma-gets dahil di pa ko mahilig sa politiks non....
BULAI: Daisy, san ba nakakakita ng madaming buwaya sa PILIPINAS?
Daisy: Sa KONGRESO.

***

Sa isang supermarket....
MANG BOYET: Uy, GRAPES! Mahal naman! Seedless kaya, to?
ALING PEMI: Itanong natin sa saleslady.
MANG BOYET: Miss, seedless ba 'to?
SALESLADY: Hindi po. GRAPES.


***